Apektado na ng ashfall ang mga residente ng Tabaco City sa Albay sa gitna ng tumitinding pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Bukod dito, naitala rin ang apat na dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events dakong dakong 6:00 ng gabi ng Biyernes.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Binanggit ng Phivolcs, ang PDC events ay umabot sa Basud Gully nitong Hunyo 30 ng hapon.

Naitala rin ng ahensya ang pagbuga ng sulfur dioxide ng bulkan na umabot sa 1,002 tonelada nitong Biyernes.

Nagkaroon din ng 48 na pagyanig ang bulkan batay na rin sa monitoring period ng ahensya.

Pinaghahanda na rin ng Phivolcs ang mga residente sa loob ng 8-kilometer mula sa bulkan sa paglikas sakaling tumindi pa nang pag-aalburoto ng Mayon Volcano.