Nagkaroon na naman ng pagragasa ng lava mula sa Bulkang Mayon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa 24-hour monitoring period ng Phivolcs, umabot sa Mi-isi Gully ang ibinugang lava ng bulkan na umabot sa 2.1 kilometro.

Nasa 1.3 kilometro ng lava ang dumaloy naman sa Bonga Gully.

Kahit isa lamang ang naitalang pagyanig, umabot naman sa 296 rockfall events at pitong dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events ang naobserbahan sa Mayon Volcano nitong Miyerkules ng madaling araw hanggang nitong Hunyo 29 ng madaling araw.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagbuga rin ang bulkan ng 295 toneladang sulfur dioxide nitong Hunyo 28.

Namataan din ng Phivolcs ang ibinugang usok ng bulkan na umabot sa 1,000 metro at tinangay ito ng hangin pa-kanluran-hilagang kanluran, hilaga-hilagang kanluran at hilagang silangan.

Nananatili pa rin sa level 3 ang alert status ng bulkan na posible pa ring sumabog anumang oras.