Umaapela ng tulong ang isang obispo ng Simbahang Katolika para sa konstruksiyon ng kanilang cathedral sa Palawan.

Ayon kay Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo, layunin nilang makalikom ng P90 milyong pondo upang makumpleto ang konstruksiyon ng St. Joseph the Worker Cathedral sa Taytay, Palawan.

“We humbly appeal to your generosity to be one of our benefactors in building the house of God in Taytay,” panawagan pa ni Pabillo, sa isang pahayag nitong Martes.

Nabatid na sinimulan ng apostolic vicariate ang konstruksiyon ng cathedral noong 2019, ngunit hindi ito nakumpleto matapos na maapektuhan ng pandemya ng COVID-19, gayundin ng mga nakalipas na bagyo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sinabi ng obispo na ang pondong ipagpapatayo sana nila ng cathedral ay ginamit muna nila para maitayong muli ang mga tahanan ng mga residente at mabigyan sila ng mga bangka.

Inuna rin aniya nila ang pagpapatayong muli ng mga chapels na winasak ng bagyo.

“We prioritized addressing the needs of the people,” paliwanag pa ni Pabillo, na naging obispo ng Taytay, simula noong 2021.

Ngayon aniya ay nagpasya na silang ipagpatuloy at tapusin ang konstruksiyon ng cathedral.

“I have heard the desire of the people and the clergy to finish the construction,” aniya. “Now in the year 2023, God willing, we plan to put our attention and efforts in building the cathedral.”