Inamin ni "Eat Bulaga!" host at aktor na si Paolo Contis na hanggang ngayon, hindi pa rin sila tinatantanan ng bashers at haters ni Yen Santos, kahit na sabihing tila "naka-move forward" na ang dating karelasyong si LJ Reyes, matapos nitong ihayag na engaged na sila ng non-showbiz fiance na si Philip Evangelista.

Iyan din umano ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na lamang niya isinama ang partner sa naganap na media conference para sa pelikulang "Ang Pangarap kong Oskars" na latest movie nila ni Joross Gamboa, under MAVX Productions.

"I don’t think you can ever get used to people hating you, especially a relationship that's good for me and for her na okay kami and then people hating on it, which I understand kung bakit, sabihin mo na kung bakit… regardless kung alam nila 'yung buong kuwento or not, they are entitled to their own comments, pero you'll never get used to it," ani Paolo.

MAKI-BALITA: Relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos sandamakmak pa rin ang haters

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang mahalaga raw para kay Paolo, nagmamahalan silang dalawa ni Yen.

Kaugnay nito, natanong na rin si Paolo kung kailan naman niya balak pakasalan ang jowa.

Natawa raw ang aktor nang sumagot ito.

"Eventually darating naman 'yon, marami pa akong kailangang ayusin, siyempre," aniya.

Tumanggi naman daw sumagot si Paolo sa mga tanong kaugnay ng kaniyang pagiging ama sa anak nila ni LJ Reyes na si Summer, lalo't ibinabato rin sa kaniya ang isyung hindi siya nagsusustento sa mga anak, pati sa dating karelasyong si Lian Paz.

MAKI-BALITA: Paolo Contis naokray na naman: ‘Mamimigay ng papremyo, hindi ng sustento’