Tila pinatutunayan umano ni Kapuso actress Klea Pineda ang katagang “love wins” matapos itong magmistulang makata sa kaniyang sweet message para sa girlfriend na si Katrice Kierulf ngayong Pride Month.

“My darling,

you will never be unloved by me

You are too well tangled in my soul,” mababasa sa isang Instagram post ni Klea kalakip ang masayang larawan nila ni Katrice.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagbigay naman ng komento si Katrice at binirong nagiging makata na si Klea, ngunit inamin ding kinilig siya sa mensahe ng kasintahan.

“Are you a poet nowwww?? 😫 char so kilig!! I love you happy pride to us, my love!! 🥺🌈,” komento ni Katrice, bagay na nireplyan din ni Klea ng, “@katricekierulf Happy Pride to us hon! 🏳️‍🌈🫶🏽.”

Nagbigay naman ng komento ang kanilang mga tagasuporta at binati pa ng ilan ang dalawa ng Happy Pride. 

“How endearing to use Darling! You two remind me of Bea and Ava from Warrior Nun - if they got to live their lives out in the world. 🩵,” saad ng isang netizen sa comment section.

“Ay ang cheesy haaa!! But love this! Happy pride, girls!!! @katricekierulf and @kleapineda !!!❤️🧡💛💚💙💜,” komento naman ng isa pa.

“Happy pride @katricekierulf @kleapineda 🌈.”

Matatandaang nag-out si Klea bilang miyembro ng LGBTQ+ community sa araw ng kaniyang kaarawan noong Marso 19.

MAKI-BALITA: Klea Pineda, may birthday pasabog; may inamin

Pagkatapos nito, inihayag na ng aktres at ni Katrice ang kanilang relasyon sa publiko.

MAKI-BALITA: ‘Love wins’: Katrice Kierulf, proud na tawaging girlfriend si Klea Pineda