Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • May 20, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    By
    Balita Online
    June 26, 2023
    In
    BALITA National
    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur
    (Manila Bulletin File Photo)

    ₱10M 'ghost' project: Reclusion perpetua, hatol sa ex-water district exec sa Lanao del Sur

    By Balita Online
    June 26, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Pinatawan ng Sandiganbayan ng reclusion perpetua ang isang dating opisyal ng Tugaya water district sa Lanao del Sur dahil sa paglustay ng pondo ng bayan na aabot sa ₱10 milyon noong 2011.

    Napatunayan ng anti-graft court na nagkasala si Jamaloden Faisal, dating general manager ng nasabing water district, sa kasong malversation.

    Bukod dito, pinatawan din si Faisal ng 10 taon na pagkakakulong sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019).

    Sa rekord ng kaso, aabot sa ₱25 milyon ang budget ng gobyerno para sana sa  pagpapagawa ng 10 reservoir sa Mt. Gurain sa Balindong, Lanao del Sur.

    Gayunman, inilabas ni Faisal ang mahigit sa ₱10 milyon na natuklasang nilustay nito.

    Nabisto rin si Faisal na ginamit nito ang contractor na Nascon Builders upang palabasin na ipinatupad ang proyekto.

    Ayon sa Nascon, walang kinalaman ang kanilang kumpanya sa sinasabing proyekto ni Faisal.

    Pinatunayan naman ng National Bureau of Investigation na wala silang nakitang reservoir na sinasabing proyekto ni Faisal sa nasabing lugar.

    "A Joint Affidavit of Inspection was submitted by the team of investigators from the National Bureau of Investigation stating that the reservoirs funded by LWUA (Local Water Utilities Administration) are inexistent, based on the Development Map and Detailed Cost Estimate of the Project,” ayon naman sa resolusyon ng Office of the Ombudsman noong 2017.

    Philippine News Agency

    Inirerekomendang balita

    NBI, nakaalerto; handa na ring arestuhin si Sen. Bato?

    NBI, nakaalerto; handa na ring arestuhin si Sen. Bato?

    Inihayag ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakahanda itong magsagawa ng manhunt operation laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court (ICC). Ayon kay NBI spokesperson Palmer Mallari, nakaalerto ang ahensya para gampanan ang mandato nito sakaling tuluyang umusad ang operasyon laban sa senador. “The NBI is always on...

    Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

    Arrest warrant kay Dela Rosa, valid; lahat ng ebalwasyon ng SC, ibabato sa DOJ—Palasyo

    Nanindigan ang Malacañáng na maituturing na valid ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at tiniyak nilang isusumite raw sa Department of Justice (DOJ) ang lahat ng interpretasyon at ebalwasyon ng resolusyong inilabas ng Korte Suprema.  Pagkatapos ito ng hindi pag-apruba ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Mayo 20, 2026, sa...

    Comelec, nais maging katanggap-tanggap, malinis, maayos ang Halalan 2028

    Comelec, nais maging katanggap-tanggap, malinis, maayos ang Halalan 2028

    Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na titiyakin nilang magiging maayos ang eleksyon sa taong 2028—partikular na ang pampanguluhang halalan. Kaugnay ito sa posibleng epekto ng nagaganap ngayong impeachment proceedings, ang magiging boto ng bawat kongresista at senador dito, at ang relasyon nito sa resulta ng Halalan 2028. Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, Mayo...

    Features

    FEATURES

    1

    ALAMIN: Paano mapapanatiling malusog at fit ang mga empleyado?

    May 20, 2026

    FEATURES

    2

    #BalitaExclusives: ‘Literal na dumilim ang paligid!’ Singing performance sa Tarlac, nasaktuhan ng rotational brownout!

    May 19, 2026

    FEATURES

    3

    Resibo ng trabaho: Alamin mga website para bisitahin mga nagawa ng binoto mong politiko

    May 19, 2026

    FEATURES

    4

    Walang Takas sa Batas: Paano kung si Gen. Torre humuli kay Sen. Bato?

    May 19, 2026

    FEATURES

    5

    #BalitaExlcusives: Aling nagtitinda ng sili, na-scam ng babaeng nagbayad ng pekeng ₱1K!

    May 19, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Bakit nagsusuot ng impeachment robes ang senator-judges?

    May 18, 2026

    FEATURES

    7

    Mga ‘red flag’ na paraan ng pangungumusta kapag may family gathering!

    May 18, 2026

    FEATURES

    8

    May bakuna na ba para magamot o makaiwas sa HIV?

    May 18, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Ang apat na boses na ating naririnig Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo Semana Santa: Ang makilala si Kristo at lubos pa Siyang makilala Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita