May aabangan kay “Pop Icon,” tinaguriang “chuva choo choo girl” at certified ka-momshies sa umagahan na si Jolina Magdangal matapos nitong i-upload sa kaniyang Instagram account ang mga larawan kung saan tila pasilip sa kaniyang nilulutong bagong awitin kahapon ng Sabado, Hunyo 24, 2023.

Makikita sa nasabing larawan na tila siya ay nasa recording studio at mukhang G na G pa ito sa muli nitong pagbuo ng bago niyang awitin.

Mapapansin namang hindi na maingay ang pangalan ng singer sa industriya ng musika sa Pilipinas dahil nakatuon ang iskedyul sa pagho-host nito sa morning show nitong ‘Magandang Buhay’ at ang paghuhurado pa nito sa segment na “Tawag ng Tanghalan” sa noontime show na “It’s Showtime.”

Nakakahappy ang mga work na ganito.. Recording.😊😊😊” mababasang caption sa Instagram post ng singer/host.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Marami namang nakaabang at natuwang followers ni Jolens nang mapag-alamang babalik na siya sa pagkanta at pagbuo ng album.

“YAN ANG POP ICON KO! ❤️💙❤️💙”

“❤️❤️❤️ so excited for this.”

“Yey! New album na yan! 😍👏”

“Yahoo!!! Exciting!!! 😍”

“Ang pag babalik ng tunay na hugot pop icon❤️❤️ @mariajolina_ig " di mag sasawa, di mag babago, di mag hahanap ng pag-ibig na papalit sa puso ko dahil nag iisa lang ang pop icon and you momshie jols”

“Wow idol @mariajolina_ig 😍 aabangan ko yan ❤️❤️❤️”

Matatandaang sa kantang ‘Chuva Choo Choo’ naman sumikat si Jolina noong 1999 na siyang naghirang sa kaniya para tawagin bilang Pop Icon.

Kamakailan lamang ay nagtalo-talo ang fans niya at fans ni Kapuso singer Julie Anne San Jose dahil sa titulong “Pop Icon.”

MAKI-BALITA: ‘Sinong tunay na Pop Icon?’ Fans ni Jolina, Julie Anne nagbardagulan