Itinanghal na 17th Miss International Queen 2023 si Miss Netherlands Solange Dekker nitong Sabado ng gabi, Hunyo 24, 2023 sa Tiffany's Show Pattaya Chonburi, Thailand.

Sa ginanap na beauty pageant, nangibabaw ang angking ganda at husay sa pagsagot ni Solange Dekker ng bansang Netherlands kung saan pinataob nito ang 22 iba pang mga kandidata sa iba’t ibang panig ng mundo.

Nakuha naman ni Qatrisha Zairyah Kamsir ng  bansang Singapore ang 1st runner-up habang 2nd runner-up naman si Melony Munro ng USA. 

Bigo namang makapasok sa final 3 ang panlaban ng Pilipinas na si Lars Pacheco na siyang nagtapos bilang bahagi ng 6 finalists.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi naman na bago kay Solange ang pagsali sa mga beauty pageants kung saan nagsimula ang kaniyang karera ng sumali ito sa Miss Trans Star International 2019 sa Spain. 

Noong 2022, siya ay naging finalist sa Miss Universe Netherlands na siyang nakakuha ng Miss Social Media award.

History naman ang pagkapanalo ni Solange dahil siya ang kauna-unahang European transwoman na nagkamit ng korona para sa kanilang kontinente.