Usap-usapan ngayon ang komento ni Megastar Sharon Cuneta sa isa sa mga Instagram post ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial, matapos daw kuyugin ng bashers dahil sa umano'y pang-iisnab daw sa kaniya ni Mega.

Sa Instagram post ni Barbie kung saan makikita ang mga litrato nila ni Angelica Panganiban at anak nitong si Baby Bean, makikita ang komento ni Shawie tungkol dito. Siya na ang humingi ng dispensa sa aktres dahil wala raw itong katotohanan. Ni hindi pa nga raw sila nagkikita o nagkakaharap na dalawa.

"Hi Barbie! A friend of mine just told me today that you have been getting some flak for supposedly snubbing me? I am so so sorry you have to go through this. I haven’t even seen you in person as far as I can remember! You have done nothing wrong," ani Mega.

Hangad ni Sharon na makita at makaharapa niya nang personal si Barbie sa mga susunod na araw. Hindi raw alam ni Shawie kung saan nanggaling ang isyung ito, subalit nilinaw na ng Megastar na hindi nagmula sa kampo niya.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

"I hope to meet you someday! Please be strong and remember I have no idea where this issue came from either! God bless you - and I hope you don’t mind my posting this on your comments. Take care!"

Agad naman itong napansin ni Barbie at kinomentuhan, "Thank you Ms Sharon!!!"

Angelica Panganiban, Barbie Imperial, at Baby Bean (Screenshot mula sa IG ni Barbie Imperial)

Sa kaniyang Instagram story ay ibinahagi ni Mega ang screenshot naman ng kaniyang personal message kay Barbie, kagaya lamang din ng komento niya sa IG post nito.

Screenshot mula sa IG story ni Sharon Cuneta