Apat na babaeng menor de edad ang nasagip ng pulisya sa online sexual exploitation sa magkakasunod na operasyon sa Barangay Upper Bicutan, Taguig City.
Sa pahayag ni Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) chief Col. Portia Manalad, nailigtas nila ang apat na babae kasunod na rin ng pagkakaaresto sa isang Australian na sangkot sa human trafficking at online sexual exploitation sa Australia.
Ayon kay Manalad, nasamsam ng Australian Federal Police (AFP) sa inaresto nilang suspek ang child sexual abuse or exploitation materials, kabilang ang mga larawan ng apat na babaeng Pinoy.
"As a result, the AFP coordinated with the PNP for validation, victim location and possible rescue operation,” ani Manalad.
Isinagawa ang serye ng rescue operation nitong Huwebes at Biyernes nitong Huwebes at Biyernes.
Dinala sa WCPC sa Camp Crame, Quezon City ang mga nailigtas na menor de edad.
Philippine News Agency