Usap-usapan ngayon ang Instagram stories ng professional basketball player na si Kiefer Ravena, kung saan makikita ang ilang mga larawan nila ng kasama niyang babae, habang sila ay nasa isang date.

Batay sa mga inilatag na resibo o larawan ng "Fashion Pulis," ang pangalan ng kasamang babae ni Kiefer sa kaniyang mga larawan ay si "Kholeen Ortiz" na isang FA o flight attendant, at non-showbiz personality.

Kiefer Ravena at Kholeen Ortiz (Larawan mula sa IG ni Kiefer Ravena via Fashion Pulis)

Ibinahagi umano ni Kiefer ang mga litrato nila ni Kholeen, na mula naman sa IG posts nito. Kung sisilipin ang IG account ni Kholeen, naka-private ito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Tila inenjoy ng dalawa ang fine-dining experience sa The Peak ng Grand Hyatt Manila.

Sa isa pang larawan, mababasa ang caption na "date night."

Kiefer Ravena at Kholeen Ortiz (Larawan mula sa IG ni Kiefer Ravena via Fashion Pulis)

Matatandaang noong 2022, kinumpirma nina Kiefer at ex-girlfriend na si volleyball superstar player Alyssa Valdez na hiwalay na sila, matapos ang anim na taong relasyon.

Naglabas pa ng opisyal na pahayag ang talent management agency ni Alyssa tungkol dito.

"A lot of speculation has been made. We appreciate the concern, but this decision does not involve any other party," paglilinaw ng VMG ASIA sa inilabas nilang opisyal na pahayag sa social media.

"Let us avoid making up stories and spreading false rumors. We hope that everyone can respect Alyssa's decision to keep things private."

Pinasalamatan ng talent management ang mga tagahanga ni Alyssa sa kanilang walang sawang pagsuporta sa kaniya.

"This will be the only time we will address this matter. We will not be entertaining any interviews or questions. Thank you for your understanding."

Ibinahagi naman ito ni Alyssa sa kaniyang Twitter account.

"Please avoid making up stories & spreading false rumors. Thank you for all the love," ani Alyssa.

Ni-retweet din ni Vania Edralin ng VMG Asia ang naturang pahayag, at inupload din bilang Instagram story.

“It’s always sad to see people grow apart, but I am hopeful you’ll both find your way. Will always be here for you Ly. Love you."

Matatandaang kasama ang dalawa sa Philippine National Team na lumaban at kumatawan sa bansa sa SEA Games 2021 na ginanap sa Vietnam.

Tikom naman ang bibig ng dalawa sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay ng landas.

Samantala, wala pang pahayag o kumpirmasyon mula sa kampo nina Kiefer at Kholeen kung ano nga ba ang real score sa pagitan nilang dalawa. Wala pa ring reaksiyon si Alyssa tungkol dito.

MAKI-BALITA: Alyssa Valdez at Kiefer Ravena, hiwalay na; talent management, naglabas ng opisyal na pahayag