
(Manila Bulletin File Photo)
1 miyembro ng NPA, tigok sa sagupaan sa Zamboanga del Sur
Patay ang isang miyembro ng New People's Army (NPA) matapos makasagupa ng kanyang grupo ang mga sundalo sa Zamboanga del Sur nitong Biyernes.
Gayunman, sinabi ni 97th Infantry Battalion (97IB) commander, Lt. Col. Nolasco Coderos, Jr., hindi pa nakikilala ang napatay na rebelde.
Dakong 3:33 ng madaling araw nang sumiklab ang bakbakan sa Sitio Tulah, Barangay Sunop, Dumingag, Zamboanga del Sur.
Aniya, namataan ng tropa ng pamahalaan ang mga rebelde habang sila ay nagpapatrulya sa nasabing lugar.
"The troops launch(ed) security patrol after they receive(d) information about the presence of NPA rebels in the area,” pahayag ni Coderos.
Narekober sa encounter site ang mga gamit ng mga rebelde matapos ang 22 minutong engkuwentro.
Philippine News Agency