“Tara inom mamayang hating gabi” bungad ni Juan Karlos Labajo sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 22.

Makikita naman sa mismong larawan si JK na hawak-hawak ang kaniyang pusa.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Ngunit ang pumukaw sa atensiyon ng netizens ay ang nasa likod ni JK na “MAY HALAGA PA BA AKO SAYO.”

Ini-ugnay naman agad ito ng netizens para sa recent Ex-girlfriend nitong si Maureen Wroblewitz na kamakailan lamang ay flinex ang lalaking bagong nagpapasaya sa kaniya ngayon.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/06/22/jowa-reveal-maureen-flinex-ang-nagpapasaya-sa-kaniya-ngayon/

Saktong alas-dose naman ng hating-gabi ngayong Biyernes, Hunyo 23, nag-post ang singer na lumabas na ang kaniyang bagong single na may titulong “May halaga pa ba ako sayo,” para sa kaniyang upcoming album.

Tila pala-isipan pa rin naman ngayon sa netizens kung double meaning nga ba talaga ang bagong kantang iyon ni JK na mapakikinggan na sa Spotify.

Pinalagan naman ng netizens sa comment section ang kaniyang Facebook post na nag-aayang magshot.

“Tagay mo na pre!”

“Tara shot puno na. Beer lang muna tayo tipid muna ako pre”

“JUICE JUICE LANG TAYOOOO I LOVE YOU”

“Welcome to the club bes, sayo na tagay”

“Let’s gooooo dala ako ice”

Tinapos naman nina JK at Maureen ang kanilang tatlong taong relasyon nang in "good terms" noong Hunyo nakaraang taon.