Ipinahayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hunyo 22, na hindi pinapayagan sa batas ang pagbibigay ng pansamantalang lisensya para sa nursing graduates na hindi nakapasa sa Nursing Licensure Examination.

Ito ay sa matapos ang pahayag kamakailan ni Department of Health (DOH) Secretary Dr. Teodoro “Ted” Herbosa hinggil sa planong bigyan umano ng temporary licence at kunin bilang karagdagang workforce sa healthcare system ang mga nursing graduate na nakakuha ng 70% hanggang 74% rating sa Nursing Board Exam.

MAKI-BALITA: Nursing grads na may 70-74% board rating, kukunin bilang add’l workforce – Herbosa

Sa isang public briefing nitong Huwebes, iginiit ni PRC Commissioner Jose Cueto Jr. na nakasaad sa Section 21 of Republic Act 9173 o ang Philippine Nursing Act na bibigyan lamang ng pansamantalang lisensya o permit ang mga lisensyadong nurse mula sa ibang mga bansa na karaniwang inaanyayahan umano para maging tagapagturo sa nursing institutions o lumahok sa medical missions.

Kaso ng dengue sa ilang munisipalidad sa NCR, umabot na sa epidemic level

"Sa RA 9173, wala hong probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan ang PRC o any government agency na magbigay ng temporary license sa mga nursing graduates na hindi pa nakapasa ng Nurse Licensure Examination,” ani Cueto.

Sinabi rin ng PRC commissioner na kung wala ang pag-amyenda sa naturang batas, hindi nila mababago ang probisyon kung saan kailangang hindi bababa sa 75% ang score para makapasa sa board exam at dapat walang subject na mas mababa sa 60%.