Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules na tinamaan na ng African swine fever (ASF) ang Antique.

Ipinaliwanag ni DA officer-in-charge regional director Jose Albert Barrogo, apat na kaso ng pagkamatay ng mga baboy ang naitala sa Hamtic.

PNP, nakahanda sa bullying ngayong pasukan: 'Dial 911!'

Nagpositibo aniya sa ASF ang apat na baboy batay na rin sa clinical laboratory report ng Regional Animal Disease Diagnostic Laboratory sa Iloilo City na nagsagawa ng pagsusuri sa serum samples na isinumite ng Provincial Veterinary (ProVet) office kamakailan.

“We had the copy of the results of the serum samples confirming it to be positive for ASF submitted to the Office of Governor Cadiao today,” pagbibigay-diin ni Barrogo.

Nanawagan din si Barrogo sa mga apektadong local government unit na magpatupad ng culling operations sa mga lugar na saklaw ng 500 metro mula sa pinagmulan ng sakit upang hindi na lumalala ang sitwasyon.

“We urge the provincial government and the LGU of Hamtic to provide assistance to the affected hog raisers,” paliwanag pa ni Barrogo.

Kamakailan, isinapubliko ng Hamtic Municipal Agriculture Office (MAO) na umabot na sa 1,359 ang namatay na baboy sa 22 barangay sanhi ng ASF.

Philippine News Agency