Nakatakdang sungkitin ni Pauline Amelinckx ang korona ng Miss Supranational 2023 sa darating na Hulyo 14, 2023 na gaganapin sa Strzelecki Park Amphitheater, Nowy Sącz, Małopolska, Poland, bagay na naging mailap sa kaniya noong Miss Universe Philippines.

Kaliwa’t kanan na ang kaniyang mga ginagawang paghahanda, pag-ensayo at maging na rin sa pagdalo na may kinalaman sa kaniyang mga adbokasiya.

Sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Hunyo 20, 2023, bukod sa kaniyang angking gandang Boholana, ipinakita niya rin ang ganda ng kanilang probinsiya. 

Suot ang one piece swimsuit sabay pose at anggulo sa napakagandang background, mapapasabi ka talaga na “She’s supra ready”.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Maging ang kasama niya sa MUP 2023 Top 5 na sina, Krishna Gavidez ng Bagiuo at Angelique Manto naman ng Pampanga ay napabigay din ng komento.

“ BREATHTAKING “

“ SUPRA GOOOORGEEE “

Maaaring gamitin ang mga hastag na #TheBoholanaBelgian #EmPAUwered #PAUdayon #supraPAUwers #MSP2023 para ipaabot ang suporta.

Arci Brezuela Rutagenes