Sinita ng ilang personalidad at netizens si Quezon City District 5 Councilor Aiko Melendez at iba pang mga opisyal matapos umano silang mag-TikTok sa mismong Quezon City session hall, na may dalawang entries at naka-upload sa kaniyang TikTok account.

Hindi nagustuhan ng marami ang ginawa nila dahil parang "nabastos" daw ang legislative building ng Quezon City.

Ang unang TikTok video niya ay pagsayaw ng awitin ni Mariah Carey na “Touch My Body" kasama si Sangguniang Kabataan (SK) Federation President for QC Councilor Julian Trono.

PBBM, inalala si 'Apo Lakay' sa 107th birthday: 'His wisdom remains a guiding force!'

Sumunod naman, kasama na nila ni Trono sina Majority Floor Leader Dorothy Delarmente (QC Councilor District 1), Wency Lagumbay (QC Councilor District 3), at Chuckie Antonio (QC Councilor District 3).

Pero giit ni Melendez, ginawa nila ito bago magsimula ang session, at wala silang anumang nilalabag na batas.

Makikitang naka-turn off ang comment section ng dalawang TikTok videos.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Anong nangyayari sa mga politicians ngayon? Wala namang problema mag-Tiktok — pero sana igalang naman yung session hall. Respeto naman po sana, Councilor Aiko Melendez & SK President Julian Trono."

"Mga walang modo! Give honour & respect sana to the government institution they are representing, a basic good moral character that can be applied to all of us. They can do their extracurricular activities in a more appropriate place to unwind & dance at hindi sa bulwagan ng session."

"Sa buhay ng tao may karapatan tayong lahat maging masaya. Yung mga hindi natutuwa sigurado malungkot ang buhay niyan."

"Pampa-good vibes na nga lang marami pang kumontra, ang importante maraming natuwa sa ating mga taga-Kyusi, ang di lang naman natuwa 'yong hindi bumoto sa kanila at hindi residente ng Kyusi."

"There is always a proper venue in everything!"

Depensa naman ni Aiko, wala umano siyang masamang intensyon at nilabag na batas sa kanilang pagti-TikTok.