May panibagong milestone na naman sa buhay ni Kapuso comedy star-TV host Marietta Subong alyas "Pokwang" matapos siyang italaga bilang "Queen Celebrity Icon Ambassadress" ng Mrs. Universe Philippines.

Ibinahagi ni Pokwang ang video ng kuwela niyang pagrampa at paggawad sa kaniya ng sash.

"Thank you #MrsUniversemostExceptionalwoman2023 thank you po @daddie_wowie @charo.laude for the recognition. Isa pong karangalan," caption ni Pokwang sa kaniyang Instagram post.

Isinagawa ang koronasyon noong Hunyo 18 ng gabi sa Rizal Park Hotel.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ipinaliwanag ng Mrs. Universe Philippines na kuwalipikado pa rin si Pokwang sa titulo kahit hindi siya kasal at solo parent.

Bukod kay Mamang Pokie, kinoronahan din sina Andrea del Rosario bilang Mrs. Universe Philippines Tourism 2023 at si Jean Saburit naman ay Mrs. Universe Philippines Classic 2023.

Adbokasiyang isusulong ng komedyante-TV host ang kapakanan ng mga kagaya niyang single parent.