Binalikan ni actress-host Maine Mendoza ang kaniyang tweet noong taong 2015 na siyang tila naging marka ng pagsisimula umano ng lahat para sa kaniya.

“What a day!” mababasa sa tweet ni Maine mula sa petsang Hunyo 19, 2015.

Ni-retweet ito ng actress-host nitong Martes ng hatinggabi, Hunyo 20, at inilarawan bilang “the beginning of everything.”

“It’s amazing how showing up can change someone’s life. Thank You for giving me the courage to show up that day. I was unprepared but You weren’t,” saad pa ni Maine sa kaniyang latest tweet.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“What?! June 19 pala nagsimula ang lahat sa’yo? 🥰 (sana tama ako ang intindi). Sa akin naman, June 19 ang revelation ng identity ni Shy Singer 🥰,” komento ng isang Twitter user sa naturang post, bagay na nireplyan ni Maine.

“Audition day ko ito! Cheers to June 19!” sagot ng aktres.

“And the rest is history!” komento naman ng isa pang Twitter user.

Matatandaang taong 2015 nang unang ipinakilala si Maine bilang Yaya Dub o personal assistant ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa segment ng Eat Bulaga na “Juan For All, All For Juan.”

Matapos nito ay nagsimula na rin ang "Kalyeserye" nang magkita sa programa sina Yaya Dub at Alden Richards na kalaunan ay naging AlDub love team.