Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Martes ng umaga, Hunyo 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:16 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 452 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa  Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 188 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Metro

Barangay tanod na nagseselos, 'sinamurai' ang canteen helper; patay!

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.