Calamba City, Laguna -- Patay ang isang buyer ng cellphone matapos umanong pagpapaluin ng tubo sa ulo ng isang seller nang hindi umano magkasundo sa presyo nitong Lunes ng gabi, Hunyo 19, sa Purok 7 Ilaya, Barangay Parian dito.

Nakumbinsi ng suspek na si Elmer alyas "Bukol" ang biktimang si Domingo Ramilo Gonzales na bilhin ang kaniyang cellphone at nagkasundo sila sa tiyak na halaga dakong 7:30 ng gabi.

Nang magbabayad na sana ang biktima, bigla umanong tinaasan ng suspek ang napagkasunduang presyo.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila na naging sanhi para kumuha umano ng bakal na tubo ang suspek at pinalo sa ulo ang biktima. Bumagsak sa sahig ang biktima at nawalan ng malay.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nakatakas ang suspek habang ang biktima ay dinala ng kaniyang kaanak sa Calamba Doctor Hospital ngunit idineklara itong patay.