Tila kinumpirma na nga ng social media personality na si Zeinab Harake ang real score sa pagitan nila ng Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr.

Ilang buwan na ring usap-usapan ang kanilang sweetness sa isa't isa. Kamakailan lamang ay kinakiligan ng mga netizen ang kanilang bonding moments habang nasa isang beach. Wala pa mang mga pahayag na sinasambit, kitang-kita sa kanilang body language na bet nila ang isa't isa.

Na tila nakumpirma na nga nang batiin ni Zeinab si Bobby Ray ng "Father's Day" at tawagin itong "partner."

Ibinahagi ni Zeinab ang larawan nila ni Bobby Ray sa Instagram story at nilagyan ng text caption.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Screenshot mula sa IG ni Zeinab Harake

"Happy father's day din sa partner kong nagpapakatatay para sa akin thank you @ray1parks," saad ni Zeinab.

"Sa mundong meron ako sa dami ng dinadala ko hindi puwedeng hindi ako baby minsan at salamat sa Diyos dahil binigyan Niya ako ng partner na hindi na papasakitin yung ulo ko sa mga walang kuwentang bagay at magpapaunawa sa akin ng mga dapat kong gawin."

"Best father ka sa dog mo kay (RJ) at sa akin alam ko soon sa future kids mo kasi mabuti kang lalaki at may paninindigan ka sa buhay," dagdag pa.

Sa Instagram post ni Bobby Ray noong Hunyo 17, makikitang nagkomento rito si Zeinab ng "Mine po!" na tumutukoy sa basketbolista.

Ang tanong, ano kayang masasabi rito ng dating partner ni Zeinab na si Daryl Ruiz o "Skusta Clee?"

MAKI-BALITA: Bobby Ray kay Zeinab: ‘To more adventures with you!’