Ngayong Father’s Day, Hunyo 18, binati ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang kaniyang ama na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na tinawag niyang “the best dad on Earth.”

Ibinahagi ni Sandro ang kaniyang mensahe sa pamamagitan ng isang Facebook post na may kalakip na larawan ng kaniyang ama na nakatalikod sa camera at nakaharap sa selyo ng Pangulo.

Sa kaniyang mensahe, nagpasalamat si Sandro sa lahat daw ng ginagawa ng kaniyang ama para sa kanila, at sa pagbibigay ng oras sa kabila ng pagiging abala nito bilang pangulo ng bansa.

“Happy Father’s Day to the best dad on earth. Thank you for everything that you do for us and for always finding time despite having the weight of the country on your shoulders,” mensahe ni Sandro.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“You have taught us the importance of kindness and compassion even in the most trying of times. I love you pop! Were all so proud of you,” saad pa niya.

Si Rep. Marcos ang panganay na anak ni Pangulong Marcos.