Hindi pinalagpas ng Brazilian model-actress na si Priscilla Meirelles ang patutsada ng isang netizen, nang sabihan siya nitong "second wife" ng kaniyang mister na si John Estrada, nang mag-post siya ng birthday message tribute para dito kamakailan.

"To the one and only Man in my life, my Husband… Happy Birthday," panimula ni Priscilla sa kaniyang Instagram post noong Hunyo 14, 2023.

"From the moment I met you I knew I wanted to share my life with you. We have been through a lot, and the ride hasn’t been smooth but it has been bunches of fun and for your life, I am truly grateful, even if sometimes it may look like I want to commit murder… lucky you, I’m no murderer…"

"Joke aside, Today I pray that you have accountable blessings and that you always find a reason to smile every day anew for the rest of your journey. May you find true contentment in every spec of your life without losing yourself. Thank you for being a good provider for our family."

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

"Thank you for being a good dad to Anechka. Thank you for being my husband. We love you. God bless you and may he be with you always."

"Your one and only Wife," giit ni Priscilla.

Subalit isang netizen ang nagkomentong "second wife" na raw siya ni John.

"Second wife correction please," sey ng netizen na may laughing emojis pa.

Hindi naman ito pinalagpas ni Priscilla at nireplayan.

"Next time will write in TAGALOG po so that you can understand. obviously you didn’t. But in case may ibang wife na hindi ko alam, please pa DM SA AKIN para asikasohin. Lol," sey ni Priscilla.

Hindi nagpatinag ang netizen at iginiit na "inagaw" lamang daw ni Priscilla si John sa una nitong misis (ngunit ngayon ay annulled na) na si Janice De Belen.

Payo na lang ni Priscilla, mag-research na lang ang naturang netizen na obviously ay hindi alam ang tunay na mga nangyari sa kanila in the past.

"The design is very (misinformed). Please pa-Google po kayo ng tama information. May internet at Google po kayo sa planet n'yo po, di ba?! Checking lang po," pasaring pa ni Mrs. Estrada.

Ikinasal sina Janice at John noong 1992 subalit na-annul ang kanilang kasal, matapos ang ilang umano'y marital problems, at matapos maugnay ni John sa co-host niya noon sa "Magandang Tanghali Bayan (MTB)" na si Vanessa Del Bianco.

Ikinasal naman sina Priscilla at John noong Pebrero 2011, pitong taon makaraang mapawalang-bisa ang kasal nina John at Janice.

Kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang mga parinig ni Priscilla tungkol sa isang babaeng umano'y "sumisira" sa pagsasama nilang mag-asawa, kung saan, naugnay pa sa aktor ang isang Cebuana social media influencer.

MAKI-BALITA: Cebuana influencer na na-link kay John Estrada, may reaksiyon sa post ni Xian Gaza

Hindi naman nauwi sa hiwalayan ang kanilang pinagdaanan at mukhang nagkaayos na ang mag-asawa.

MAKI-BALITA: ‘The design is very bumabawi’: Netizens, nag-react sa ‘love of my life’ post ni John Estrada kasama ang misis

MAKI-BALITA: John, pinaligaya si Priscilla sa pamamagitan ng doggie