Tuloy pa rin ang pag-aalburoto ng Bulkang Mayon at Taal Volcano, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo.

Ayon website ng Phivolcs, tatlo pang pagyanig at 27 rockfall events ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakaraang 24 oras.

Naobserbahan din ang 11 pyroclastic density current (PDC) events sa nakaraang monitoring period ng ahensya.

Gayunman, ipinaliwanag ng Phivolcs, bumagal ang pagbuga nito ng lava na umabot sa 1.5 kilometro.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nasa 1,004 ding tonelada ng sulfur dioxide ang pinakawalan ng bulkan nitong Sabado, Hunyo 17.

Umabot din sa 100 metrong taas ang ibinugang usok ng bulkan at ito ay tinangay ng hangin pa-kanluran.

Ipinaiiral pa rin ang 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan na nasa ilalim ng Alert Level 3 status.

Kaugnay nito, umabot naman sa 46 na pagyanig ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Tumagal ng walong minuto ang pagyanig.

Bawal pang pumasok sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures dahil sa nakaambang phreatic explosions at pagbuga ng nakalalasong usok ng bulkan, babala pa ng Phivolcs.