Pinaplano na ng Department of Health (DOH) na kumuha ng "board eligibles" upang matugunan ang kakulangan ng nurse sa mga pampublikong ospital.

“’Yung mga board eligible, 'yung naka-graduate na ng four-year degree pero siguro 'di pa nakapasa na pwedeng ma-hire sa government even without their license and then gawin silang,” banggit ni DOH Secretary Teodoro Herbosa sa isang televised public briefing.

Aniya, binibigyan ng mula tatlo hanggang limang taon ang mga healthcare workers na saklaw ng kahalintulad na kategorya upang makapasa sa board exam.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

“Nagpupunta itong mga healthcare workers na ito sa BPO industry, sa tourism, eh sayang nangangailangan tayo ng nurses,” anang opisyal.

Sa datos aniya ng ahensya, aabot sa 4,800 na nurse ang kailangan sa mga ospital sa buong bansa.

“Napakaraming trabaho ang nag-aantay para sa ating mga nurses at pipilitin kong mapabilis ang pag-hire at pag-fill nitong mga nurses para gumanda rin ang mga serbisyo sa ating mga medical centers at pampublikong pagamutan,” sabi ni Herbosa.

Nauna nang sinabi ng Professional Regulatory Commission (PRC), aabot na sa 951,105 ang nakarehistrong nurse sa bansa. Gayunman, nasa 509,297 lamang ang mga practitioner.a