Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Sabado ng gabi, Hunyo 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 6:15 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 10 kilometro ang layo sa hilagang kanluran ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 53 kilometro.

Naramdaman ang Intensity IV sa Burgos, ILOCOS NORTE at Calayan, CAGAYAN.

National

VP Sara, 'seriously considering' nang tumakbong pangulo sa 2028: 'Napag-iiwanan na ang PH!'

Naitala naman ang Intensity III sa Pagudpud, ILOCOS NORTE, habang Intensity II sa City of Laoag, ILOCOS NORTE

Samantala, naiulat ang instrmental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV - Pasuquin, ILOCOS NORTE

Intensity III - City of Laoag, ILOCOS NORTE; Aparri, CAGAYAN

Intensity II - City of Batac, ILOCOS NORTE; Gonzaga, at Peñablanca, CAGAYAN

Intensity I - City of Vigan, ILOCOS SUR

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.