Bumuhos ang greetings at wishes para kay SB19 Stell na nagdiriwang ng kaniyang ika-28 kaarawan nitong Biyernes, Hunyo 16.

Sa kaniyang black and white photo, topless ang SB19 main vocalist para salubungin ang espesyal na araw.

“I am so proud of you, happy birthday!” mababasa sa caption ni Stell sa Instagram.

Ilang mga kaibigan sa showbiz industry ang nagpaabot ng pagbati sa total performer kabilang na nina Zephanie, Enzo Almari, Nate Porcalla ng P-pop group BGYO, online star Nina Guerrero, Darla Sauler, bukod sa maraming iba pa.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Isang kwelang comment naman ng host na si Ai dela Cruz ang humuli sa kiliti ng ilang A’Tin.

“OMG Stell yummy era na talaga 🔥 Push!!! Happy birthday, Stell! 🎉🩷” patungkol ng host sa larawan ng SB19 lead dancer, na agad naman sinegundahan ng fans.

Libu-libung A'Tin din online ang nagpaabot ng pagbati kay Stell.

Samantala, bago pa ang kaarawan ay ilang blessings na ang natanggap ng P-pop king matapos mapiling isa sa mga coaches ng The Voice Generations sa Kapuso Network at ang succesfully released na extended play (EP) "Pagtatag" kamakailan.

Basahin: Coaches ng The Voice Generations PH, ipinakilala na – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid