China, nag-donate ng bigas para sa Albay evacuees

(DSWD/FB)
China, nag-donate ng bigas para sa Albay evacuees
Tinanggap na ng Philippine government ang unang batch ng bigas na donasyon ng China para sa mga inilikas na residente sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano.
Mismong si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang tumanggap sa 502 sako ng bigas na tig-25 kilo, at 100 sako pang bigas na tig-12 kilo.
Bukod dito, 20 kahon din ng noodles; 20 kahon ng biscuit; at 50 sako ng harina ang ibinigay ng Chinese government sa Pilipinas.
Dagdag pa rito ang 3,600 sako ng tig-25 kilo ng bigas na donasyon ng pamahalaan ng China.
Ang donasyon na idinaan kina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Political Commissar ng Dalian Naval Academy, Rear Admiral Su Yinsheng ay dumating sa Pier 15 sa South Harbor, Maynila, sakay ng Chinese People's Liberation Army (PLA) Navy Training Vessel Qi Jiguang.
Nagbigay din ng P1 milyong tseke ang China para sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.