Puntirya ng Albay provincial government na maitala ang zero casualty sakaling sumabog ang Mayon Volcano.

Sa Laging Handa press briefing nitong Huwebes, ipinaliwanag ni Albay Governor Edcel Lagman na handa ang lalawigan para sa pagtaas pa ng alert level status ng bulkan sa mga susunod na araw.

"Yes, the province is ready to act accordingly sa mga projections of Phivolcs. Ang maganda po dito is an extrusive eruption, meaning to say, we are on Alert Level 3 right now, but it does not mean that we will automatically be on Alert Level 4. May mga certain parameters that need to be breached or reached para po tayo ay umabot ng Alert Level 4 and iyon po iyong mag-i-encourage sa amin, if ever mangyari iyon kapag let us say talagang iyong lava flow, hindi na siya maging trickle, talagang lava flow na; iyong tinatawag na PDC, iyong usok na tinatawag na pyroclastic density current po, kapag ito po ay grumabe, isa rin po iyan na indicator para itaas iyong alert level 3 to 4," anang gobernador.

Sa ngayon aniya, inuuna nila ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee, katulad ng inuming tubig, at kalinisan ng mga bata at kababaihan sa mga evacuation center.

Probinsya

Nasa 4,000 mga labi, apektado ng konstruksyon sa isang sementeryo sa Cebu

"Sa ngayon po ay we have 5,016 families na evacuated na. This accounts for [unclear] individuals, mga Albayano po natin na na-evacuate. And yes, I was able to go around yesterday together with the President in a major evacuation center in Guinobatan and doon talagang may mga holes that have to be plugged in so to speak, dahil may mga pagkukulang pa rin – iyong ventilation doon is not that good; iyong kuryente po doon has [been] addressed; iyong basic issue po ng water, sanitation and hygiene, kailangan din po itong ma-address," ani Lagman.

Umiikot din aniya ang mga tauhan ng Albay provincial health office sa mga evacuation center upang masubaybayan ang kalusugan ng mga lumikas.

Philippine News Agency