Nagbigay ng reaksiyon ang social media personality at negosyanteng si Rendon Labador hinggil sa pinag-usapang hiwalayan nina Andrea Brillantes at Ricci Rivero kamakailan.

Ayon kay Rendon sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Hunyo 10, magsilbing "motivation" daw sana sa kabataan ang nangyari kay Andrea. Dapat daw ay unahin muna ang career bago ang "landi."

"Motivation para sa lahat ng iniwan “Career muna bago landi” #stayMotivated," anang Rendon.

Andrea Brillantes (Screenshot mula sa FB ni Rendon Labador)

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Kahapon ng Miyerkules, Hunyo 14, ay muling binanatan ni Rendon si Andrea. Ibinahagi ng "motivational speaker" ang litrato ng Kapamilya actress habang naglalaro ng lato lato.

Para kay Rendon, kahit maraming pera si Andrea o ang isang babae, iiwan ito ng lalaki lalo na kung isip-bata raw o immature mag-isip.

"MARAMING PERA PERO ISIP BATA, iiwanan talaga namin kayo #CareerMunaBagoLandi."

"Para sa lahat ng taong iniwan ng Jowa. Oras na para ayusin ang mga sarili ninyo. Hindi namin kaylangan ng babaeng MARAMING PERA, Mas appealing ang babaeng matured mag isip at may priority sa buhay."

"Wake up call sa lahat ng kabataan ito na puro paganda lang ang alam pero wala naman laman ang utak. In short, TURN OFF ang babaeng IMMATURE #PrayForAndrea #MoveOn #StayMotivated," anang Rendon.

Screenshot mula sa FB ni Rendon Labador

Andrea Brillantes (Screenshot mula sa FB ni Rendon Labador)

Ipinagtanggol naman ng fans ni Andrea ang kanilang idolo, na sana raw ay nagre-research muna si Rendon, dahil si Andrea ang "youngest celebrity CEO" sa kasalakuyan.

19-anyos pa lamang ay may sariling negosyo na si Andrea, na nalilinya sa cosmetics and beauty products.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Andrea tungkol dito.