Isang babae ang sugatan sa sunog sa condominium sa Taguig nitong Martes, Hunyo 13.

Sa ulat ng Taguig City Fire Station, dakong alas-10:45 ng umaga, tinamaan ng apoy ang isang condominium unit sa Bagong Calzada, Barangay Ususan. 

Agad na naapula ang apoy alas-10:57 ng umaga ngunit napinsala ang P55,500 halaga ng mga ari-arian at naapektuhan ang isang pamilya na may tatlong miyembro. 

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasugatan na si Haydde Contreras, 50, na nakalanghap ng usok. 

National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

Nagmula ang apoy sa isang silid ngunit iniimbestigahan pa ang sanhi sa ngayon.

Limang fire truck at tatlong ambulansya ang rumesponde sa insidente. 

Jonathan Hicap