Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang libu-libong pamilya sa Albay na lumikas dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Sa kanyang pagbisita sa Guinobatan Community College evacuation center nitong Miyerkules, ipinamahagi nito ang dalang relief goods sa mga inilikas mula sa 7-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) mula sa bulkan.

Sa datos ng Albay Public Safety Emergency and Management Office (APSEMO), nasa 812 pamilya o 2,776 residente ang inilikas na sa Guinobatan.

Sa kabuuan, umabot na sa 4,286 pamilya o 15,241 indibidwal ang napilitang lumikas dahil sa tumitinding pag-aalburoto ng bulkan na posibleng sumabog anumang oras.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kasama ni Marcos na nagtungo sa lugar sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., Defense Secretary Gilberto Teodoro, Department of Science and Technology (DOST) Secretary Rene Solidum at Albay Governor Edcel Lagman.