Kinakiligan ng mga netizen ang tugon ng social media personality na si Zeinab Harake sa kaniyang "manliligaw" na si Filipino-American professional basketball player Bobby Ray Parks, Jr., nang magkomento ito sa kaniyang sexy photos habang nasa dalampasigan.

"Just another beach pic popping in your news feed," caption ni Zeinab sa kaniyang mga litrato sa Instagram post.

Sa comment section ay naglapag naman ng kaniyang reaksiyon si Bobby Ray.

"Ggaaawwwddd tell me, so I know it’s mine," aniya.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Tugon naman ni Zeinab, "Iyong-iyo!"na may emoji pang black heart.

Sa kaniyang IG post naman ay hindi naman nagpatalo sa kaniyang entry ang basketball player.

“Lets fall asleep with the Moon and I will greet you with the sun," aniya kalakip ang mga litrato nila ni Zeinab sa beach.

Ibinahagi pa niya ang isang quote na "Money attracts the female you want. Struggle attracts the woman you need."

Bantad na bantad na nga sa social media ang kanilang sweetness subalit hindi pa kumpirmado kung ano na nga ba ang label ng dalawa. Ang siste, mukhang naka-three points na si Bobby Ray sa puso ni Zeinab!