Tuloy ang pag-flex ng sweet moments ng Filipino-American professional basketball player na si Bobby Ray Parks, Jr. sa kaniyang sinusuyong si Zeinab Harake habang magkasama silang nakabakasyon sa isang beach resort, kasama ng iba pang mga kaibigan.

Nitong Hunyo 13 ay ibinahagi ni Bobby Ray ang sweet photos nila ni Zeinab habang nasa dalampasigan at papalubog na ang araw sa silangan.

"Let's fall asleep with the Moon and I will greet you with the sun," aniya kalakip ang mga litrato nila ni Zeinab sa beach.

Ibinahagi pa niya ang isang quote na "Money attracts the female you want. Struggle attracts the woman you need."

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Kilig to the bones din ang komento niya sa sexy photos ni Zeinab, gayundin ang tugon nito sa kaniya.

"Ggaaawwwddd tell me, so I know it’s mine," aniya.

Tugon naman ni Zeinab, "Iyong-iyo!"na may emoji pang black heart.

MAKI-BALITA: ‘Iyong-iyo!’ Zeinab handang ‘magpa-mine’ kay Bobby Ray

Sa kaniyang IG stories ang panay rin ang flex ni Bobby Ray kay Zeinab.

Sa isang video, makikitang tila nasa hiking sila at nasa kasukalan. Tinawag niya si Zeinab at humarap silang dalawa sa camera. May caption itong "To more adventures with you."

Image capture mula sa IG story ni Bobby Ray Parks, Jr.

Ibinida rin niya ang paghahain sa kaniya ni Zeinab ng sopas.

"Cute na cute ka na naman sa 'kin," sey ni Zeinab habang nagsasandok ng sopas mula sa kaldero.

Image capture mula sa IG story ni Bobby Ray Parks, Jr.

Ibinahagi rin ni Bobby ang post ng kaibigan na maliligo sana sa dagat pero hindi na lang daw dahil naispatang magkayakap sa dalampasigan ang dalawa.

Image capture mula sa IG story ni Bobby Ray Parks, Jr.

Makahulugan din ang caption ni Bobby Ray sa photo nila ni Zeinab habang nasa eroplano.

"Catch flights and feelings," aniya at naka-tag ito sa IG account ni Zeinab. Kita naman na naka-finger heart si Zeinab.

Image capture mula sa IG story ni Bobby Ray Parks, Jr.

Wala pang kumpirmasyon kung ano talaga ang label ng dalawa subalit batay sa kanilang mga aksiyon at "love language" sa isa't isa, sabi nga sa isang radio station, "Kailangan pa bang i-memorize 'yan?"