Nagkakaroon na ng ubo, sipon at sore throat ang mga inilikas na residente dahil sa pag-aalburoto ng Mayon Volcano.

Ito ang isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules at sinabing 35 na ang naitalang kaso ng respiratory infection sa mga evacuation center sa Albay.

Nitong Hunyo 13, naiulat ang mga nasabing kaso.

"However, the reported cases are not verified as adverse effects of sulfur dioxide and ashfall," anang DOH.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

"We would like to assure the general public that the Department of Health is on the ground and continuously monitoring the affected population," dagdag pa ng ahensya.

Nauna nang binanggit ng Albay Public Safety Emergency and Management Office (APSEMO) na nasa 9,688 residente na ang nailikas dahil nakaambang pagsabog ng bulkan.

Philippine News Agency