May 22, 2026

Home BALITA

Lolo, nanalo ng ₱10M sa lotto; gagamitin panggamot sa apo

Lolo, nanalo ng ₱10M sa lotto; gagamitin panggamot sa apo
PCSO

Tila espesyal kung magmahal sa apo ang isang lolo mula sa Angeles City.

Ito'y matapos siyang manalo ng ₱10,000,000.00 sa Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Marso 20, 2026.

Nahulaan niya ang winning numbers na 11-23-09-05-01-03. 

Ayon sa panayam ng PCSO sa senior citizen nang kubrahin ang premyo, 30 taon nang tumataya sa lotto ang lucky winner. 

Nang maitanong kung saan gagamitin ang premyo, sinabi ng lucky winner na gagamitin ito para sa medical procedure ng kaniyang apo. 

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Kaya tila laging kaginhawaan para sa kanilang pamilya ang pagkapanalo sa lotto.

Samantala, muling nagpaalala ang PCSO sa publiko na ang bawat lotto ticket na binibili ay nakatutulong sa pagbuo ng pondo para sa kanilang Medical Access Program at iba pang charitable initiatives na tumutulong sa mga komunidad sa bansa.