Isang 19-anyos na lalaki na kinilalang top one most wanted ng pulisya sa kasong rape para sa second quarter ng taon ang naaresto nitong Martes, Hunyo 13, sa Pasay City.

Kinilala ni Col. Froilan Uy, city police chief, ang suspek na si Michael Jovan Humang-it, 19, barbero, mula sa Maricaban, Pasay City.

Sinabi ni Uy na naaresto ang suspek dakong alas-tres ng hapon sa Calachuchi Street sa Maricaban, Pasay City.

Ang naturang suspek ay inaresto ng mga miyembro ng Warrant and Subpoena Section sa isinagawang "Oplan Galugad" laban sa mga wanted person.

National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

Dagdag pa ng city police chief, naaresto sa bisa ng warrant of arrest ang suspek na inisyu ni Judge Jehan Batua Sampao-Hassiman ng Pasay Regional Trial Court Branch 11 noong Agosto 1, 2021 na walang inirerekomendang piyansa.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa police custodial facility. 

Jean Fernando