Iniulat ng independent OCTA Research Group na ang weekly Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) ay bumaba pa sa 11.6% noong Hunyo 10.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, ito ay mula sa 16.7% na naitala noong Hunyo 3.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa porsiyento ng mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa pagsusuri.

"7-day testing positivity rate in NCR decreased from 16.7% to 11.6% as of June 10, 2023," tweet ni David.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

"In Luzon, positivity rates went up in Cagayan, Camarines Sur, La Union, Oriental Mindoro, Pampanga, Tarlac. Other provinces had a decrease in positivity rate," aniya pa.

Dagdag pa ni David, sa panayam sa radyo, sa ngayon ay relatively safe na ang positivity rate.

Sa kabila naman nito, nagbabala si David na ang mga di bakunadong indibidwal ay may mataas pa ring panganib na dapuan ng malalang COVID-19.

Samantala, iniulat rin ni David na hanggang noong Hunyo 12, 2023, nasa 13.8% na ang 7-day nationwide positivity rate sa bansa.