Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang proyekto si "Asia's Multimedia Star" Alden Richards at Megastar Sharon Cuneta, sa pamamagitan ng isang pelikula.

Nagkaroon ng pasilip sina Alden at Mega sa kani-kanilang social media accounts hinggil sa kanilang workshop, sa ilalim ng pamamahala ng aktres na si Ina Feleo.

"My new movie is under Cineko Productions and Direk @directfromncn with a script by Mel Del Rosario - co-starring my new movie son, the one and only @aldenrichards02 !!! In the photo are all of us and Workshop Facilitator (and girl with awesome pedigree - her mom is Direk Laurice Guillen and her dad is the late Johnny Delgado!) Ina Feleo! Thank You Lord for a great project! Super excited!!!" ani Mega sa kaniyang Instagram post.

Ibinahagi pa ni Mega ang ilan sa mga kuhang litrato nila ni Alden at iba pang kasama sa proyekto.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Excited na rin si Alden sa pelikula kahit hindi pa naipalalabas ang pelikulang pagtatambalan nila ni Julia Montes, at bali-balitang itutuloy na ang pelikula nilang naudlot ni Bea Alonzo, pero ang leading lady na ay si Julia Barretto.

"Excited for this… @reallysharoncuneta," ani Alden sa kaniyang Instagram post, kalakip ang litrato nila ni Shawie.

Hindi pa tiyak kung ano ang magiging kuwento ng pelikula subalit sabik na rin ang Aldenatics at Sharonians na mapanood ito.

Huling pelikula ni Alden ay ang highest-grossing Filipino movie of all times na "Hello, Love, Goodbye" ng Star Cinema katambal si Kathryn Bernardo noong 2019, pre-pandemic era.

Si Sharon naman, bumida sa "Revirginized" ng VIVA Films katambal si Marco Gumabao, na idinerehe ni Darryl Yap noong 2021.