Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Eastern Samar nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 11, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:25 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Homonhon Island sa Guiuan, Eastern Samar, na may lalim na 3 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.