Trending sa YouTube ang isa sa mga bagong kanta ng SB19 na “I Want You,” ang unang R&B music ng P-pop powerhouse na “sexy” kung ilarawan ng fans.

Nasa ikapitong puwesto sa kategorya ng music ang official cinematic music video ng kanta sa ">YouTube.

Maliban sa ito ang kauna-unahang R&B track ng grupo, ang kanta na may mature na konsepto ay puri-puri ngayon dahil sa tunog, produksyon, lyrics at ang mismong MV.

Narito ang ilan sa mga komento ng masugid na A’tin sa brand new music:

Musika at Kanta

Funny pero dark? 'Salarin, Salarin' ng BINI-b10 umani ng reaksiyon

“Galing nmn ang ganda ng song. Pang-international [y]ung banat at tunog nila, so sexy. Their vocals here are all superb!”

“Ngayon pa lang ako magcocomment. Gusto ko lang sabihin na GRABE KAYO, you never settle for less. Sobrang ganda ng output ng works niyo. Lahat pinag-isipan. This song is both sexy and classy and I love it. RNB pa, my main genre. I'm cryinggg. I hope sa susunod na comeback or kahit singles may R&B pa din kayong track. Slmt SB19 <3”

“Kudos sa mga videographer and editors nitong MV.Ang ganda ng pagkagawa. Salamat sa inyo!”

“Grabe ang gandaa talaga ng underwater shots nila aaaaahhh kudos sa videographer, editor and the team. Grabe ganda ng quality ng MV! Congrats SB19 and the team!”

“WE LOVE SB19, our VOCAL MONSTERS. No AUTOTUNES. No LIPSYNCS or whatsoever they're PURE TALENT!”

“This song has so much sensuality and passion and yet remained decent and modest. SB19, you are so good!!”

“Ang sarap sa pakiramdam na malayo na nararating ng grupong ito! Sinubayabayan ko sila simula ng narinig ko ung ‘Tilaluha,’ ‘Go Up’ at ‘Alab’ tatlong taon ng nakakaraan at ipinagmamalaki ko na isa akong tagaha. Keep it up boys!”

Sa pag-uulat, mayroon nang nasa mahigit 370,000 views ang naturang MV.

Ang “I Want You” ay bahagi ng latest extended play (EP) ng SB19 na inilabas nitong Biyernes, Hunyo 9.

Basahin: ‘Gento’ ng SB19, tumabo sa isang Billboard Chart, trending pa rin sa YT at certified dance craze sa TikTok – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nakatakda muling magsagawa ng world tour ang grupo na sisimulan sa Araneta Coliseum sa darating na Hunyo 24 at 25.