Tila magiging dream come true para sa maraming Pinoy pageant fans ang pagsalang ni pageant veteran Ahtisa Manalo sa Miss Universe Philippines.

Ito matapos maloka muli ang marami online sa latest rampa ng beauty queen at Pinay titleholder.

Viral ang pasabog na lakad ni Ahtisa sa stage matapos ang isang pageant stint sa Cebu City.

Kaniya-kaniya namang wish muli ang fans sa pagbabalik pageant scene ni Ahtisa.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“Laban na laban pa rin talagaa!! Gusto na uli namin marinig ang "Ma. Ahtisa Manalo, 26 Quezon Province, ✨✨💎” komento ng isang pageant fan.

“Pag ito ang nag represent ng philippines sa MU. sa kanya ko lang ibibigay ang kakaisang kong gown design, 🥰🥰🥰💪💪🤗🤗😍😍” komento rin ng isang local designer.

“Grabe overflowing confidence ang Ahtisa naming! 🔥”

“Charisma is a must talaga di pwede ganda lang😳😳 Grabe to sabog na sabog yung charisma! 🥰”

As usual, marami pa ring fans ang partikular na hiling ngayon na sumabak pa sa Miss Universe Philippine ang 26-anyos na beauty queen.

Basahin: Ahtisa Manalo, kinakalampag pa rin ng pageant fans kahit tapos na ang Miss Universe PH – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ngayon, nananatiling wala pang opisyal na pahayag si Ahtisa kaugnay ng planong pagbabalik sa pageant industry.