Hindi pa rin makapaniwala si Sparkle artist Zephanie Dimaranan na naka-duet niya in person si American singer-songwriter Jeremy Zucker.

Ito ang “surreal” moment para sa Kapuso singer na kanyang ibinahagi sa Instagram, Biyernes.

Sa gitara, mismong si Jeremy ang tumugtog kay Zephanie para sa 2021 hit song na “this is how you fall in love” at natapat pang isa sa mga paboritong kanta ng Kapuso young star.

Sa maikling acoustic session ng dalawa, maraming fans naman ang kinilig at naantig sa musical duo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ilan pa sa kanila ang nag-request ng full version.

Samantala, nasa bansa si Jeremy para sa ilang commitment kabilang ang kaniyang surprise performance sa Spotify House Philippines.

Ang American pop star ay kilala sa kaniyang hit songs na “comethru,” “you were good to me,” “all the kids are depressed,” bukod sa iba pa.