Habang nagpapatuloy pa rin ang kaniyang gamutan sa Amerika, matapos ang isang taon ay nawalay na si Kris Aquino kay Bimby, pasyang para aniya sa kapakanan ng bunsong anak.

Ito ang emosyonal na Instagram post ni Kris nitong Biyernes, matapos ihatid kamakailan sa airport si Bimby na isang taon na niyang kaagapay sa Amerika.

Bago nito, pinag-usapan din aniya nila ng anak ang naramdaman nitong “stress and anxiety.”

“He’s had to grow up so fast because he needed to learn to be responsible in helping taking care of me; kawawa kasi nakikita nya the many new physical manifestations because from 3 when we came to the US a year ago, naging 5 na yung diagnosed autoimmune conditions ko,” ani Kris.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“As his mama, I felt for a few months he deserves to enjoy being 16,” pagpapatuloy ng ina.

Sunod na kinilala ni Kris ang pagka-miss din aniya ni Bimby sa mga tita, tito, at mga pinsan nito kaya’t abot-abot lalo ang tuwa ng ina na makita ang kaniyang bunso at panganay na muling magkasama.

Basahin: Kris Aquino may 5 autoimmune conditions kaya hindi makauwi ng ‘Pinas; may birthday message kay Josh – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa huli, ipinangako ni Kris sa mga anak na ipagpapatuloy sa Amerika ang lahat ng kaniyang gamutan.