Naobserbahan muli ang crater glow ng Mayon Volcano nitong Biyernes ng gabi.
Sa larawan na isinapubliko ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), kitang-kita ang pamumula ng bunganga ng bulkan dakong 7:00 ng gabi.
Naitala rin ng Phivolcs ang 28 na rockfall events at zero volcanic earthquakes simula Biyernes, dakong 5:00 ng madaling araw.
Nitong Huwebes, itinaas pa ng Phivolcs sa Level 3 ang alert status ng bulkan dahil sa nakaambang matinding pagsabog nito anumang oras.