Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Albay nitong Biyernes, Hunyo 9, matapos itaas sa Alert Level 3 ang alert status ng Bulkang Mayon.

Sa ulat ng Albay Provincial Information Office, ang pagsailalim sa probinsya sa state of calamity ay alinsunod sa Resolution No. 0607-2023 ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

Matatandaang itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Huwebes, Hunyo 8, ang status ng Bulkan Mayon sa Alert Level 3 (increased tendency towards a hazardous eruption).

MAKI-BALITA: Bulkang Mayon, itinaas sa Alert Level 3

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Ipinag-utos na rin ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) sa mga pamahalaang munisipyo at lungsod nitong Huwebes na ilikas ang mga residente sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone (PDZ) ng Bulkang Mayon dahil sa pag-aalburoto ng bulkan.

MAKI-BALITA: Mandatory evacuation, iniutos matapos itaas sa Alert Level 3 ang Mayon