Nakikinita raw ni Manay Lolit Solis na magiging Mrs. Leviste si Queen of All Media Kris Aquino dahil sa lantarang pag-iibigan ng aktres at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, very happy raw si Lolit dahil open na raw sina Kris at Mark. Mabuti na lang daw na pasensiyoso si Mark sa paghihintay sa aktres. 

"Very happy ako na out in the open na ang love nila Kris Aquino at Mark Leviste, Salve. About time na matagpuan na ni Kris Aquino ang love na hinahanap niya. Mabuti na lang at naging pasensiyoso si Mark Leviste. Hinintay niya na maging handa si Kris sa pagtanggap sa kanya. Iyon patience ni Mark ang magiging sandata niya sa relasyon nila ni Kris Aquino," sey ni Manay.

"Alam natin lahat kung minsan may mga moods swing si Kris na dapat mong pagbigyan at unawain. Tiyak na kaya ng tanggapin iyon ni Mark dahil matagal siyang nasa tabi ni Kris. At ang patunay kung hanggang saan ang pagtitiis niya, iyon pagpunta niya sa US para dalawin/ alagaan ito," dagdag pa niya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Haka-haka pa ni Lolit, baka raw dahil sa pagtitiyaga ni Mark kaya natunaw ang puso ni Kris. Nakikita na rin daw niyang magiging Mrs. Leviste na ang aktres. 

"Siguro duon natunaw ang puso ni Kris, ang nakitang pagtitiyaga ni Mark Leviste. Naku Salve at Gorgy talagang nakikita ko na magiging Mrs Kris Aquino Leviste siya ni Mark. Sure ako na maiiyak tayo Gorgy at Salve pag natupad ito dahil matagal na natin wish ang happiness ni Kris. Bongga."

Samantala, kamakailan ay nabanggit ni Kris sa kaniyang Instagram post na mayroon siyang limang autoimmune conditions kaya hindi rin siya makauwi ng Pilipinas.