Isang short yet sweet message ang mababasa sa pa-Instagram official ni Kapamilya singer Lucas Garcia sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

Nitong Lunes, Mayo 5, kasabay rin ng Pride Month, walang kaabug-abog na iflinex na ng singer ang lalaki na tumupad aniya sa kaniyang “gay dream.”

Sa post, makikita ang dalawa na sweet sa isang pool habang sa huli ay isang video pa nila habang nag-aalampungan ang mapapanuod, dahilan para ika-sanaol ng maraming followers.

Isa sa mga ipinagpasalamat ni Lucas sa boyfriend ang pagpapakilala na sa kaniya sa pamilya nito. Taytel!

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

“Thank you for being so loving, for making me feel good about myself, for loving my mom, for introducing me to your beautiful family, and everything else!” sey ni Lucas.

Noong Abril, ">sa isang panayam, una nang ibinahagi ni Lucas ang masayang love life na suportado naman ng kaniyang supportive mom.