Trending ang naging kulitan ng bagong Eat Bulaga hosts sa kanilang Day 2 matapos ang kontrobersyal na pag-ere nang live noong Lunes, Hunyo 5, na talaga namang umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

Nagkumustahan ang mga host kung kumusta sila sa Day 1 nila.

"So, let’s talk about the elephant in the room. Ito, pag-usapan na natin. Kumusta yung feeling n'yo no'ng first day natin kahapon?” ani Paolo habang nagkakatawanan sila.

Hirit kaagad ni Betong Sumaya, "It's mind-boggling, adrenaline pumping!"

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

"Ako, napansin ko, parang lahat tayo nakapatay lahat mga cellphone," ani Paolo.

Sundot naman ni Betong, "Alam mo, pinaputol ko ang line ko."

"Pinakontak ko yung snatcher, ‘Please, snatch my phone," hirit naman ni Buboy Villar.

Matatandaang nakiusap sina Paolo sa audience na bigyan sila ng chance at wala naman silang balak na tibagin ang legacy ng TVJ. Aware sila na sa pagtanggap nila ng trabaho bilang mga bagong "mukha" ng Eat Bulaga ay kaliwa't kanang batikos ang matatanggap nila.

Trabaho lamang daw at walang personalan.

Dahil sila na ang bagong trio sa noontime ng GMA Network, nag-iisip na ang netizens kung ano ang itatawag sa kanila.

MAKI-BALITA: Kung dati may TVJ, JoWaPao: bagong Eat Bulaga, may ‘BuLoTong’ raw